Biyernes, Oktubre 11, 2019

"Tama Na Sarili"

Walang mangyayari
Kung uunahin ang paghihiganti
Sa pilit na paghabol
Nagmumukha ng asong gahol

Masasaktan lang sa nakaraan
Ang gumanti ay di na hahayaan
Papalayain na ang sarili
Pagod ng umiyak ng kay hapdi

Isusuko na ang laban
Oras na para iba ang paglaanan
Bahala na ang kalikasan
Hindi na puro sarili kundi iba na lang

Tama na, sarili na ang nananakit
Ang saya ay pinagkakait
Lalaya na 
Di na iiyak pa

Sila'y panalo na
Ako lalaban pa
Pero hindi na sa kanila
Kundi sa sarili kong buhay na

By: Jarwin S. Bognot